-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang dalawang magnanakaw sa barilan ng mga pulis dakong alas 10:30 ng gabi nitong Martes sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police Lieutenant Colonel Erwin Tabora na nakatanggap sila ng ulat sa nangyaring panghohold-up sa bahagi ng barangay Awang kaya agad silang nagresponde katuwang PNP Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Assir Balindong.

Hinabol ng mga pulis ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo matapos mag-agaw ng cellphone sa mga biktima nito.

Nagpaputok ang mga holdaper kaya napilitan ang mga pulis na gumanti.

Nasawi ang mga suspek at nakuha sa kanilang posisyon ang isang kalibre.45 na pistola,bag na may laman ng mga ninakaw nilang cellphone at pera.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pagkakilanlan ng mga suspek.