-- Advertisements --
Patay ang dalawang guro matapos na sila ay pagsasaksakin sa Malmo City, Sweden.
Naaresto ng mga otoridad ang 18-anyos na suspek na isang estudyante sa Malmo Latin School.
Dinala pa sa pagamutan ang dalawang guro na babae subalit hindi na nakayanan ang sugat na tinamo at namatay din matapos ang ilang oras.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na armado ang suspek ng isang kutsilyo at palakol.
Wala ring anumang criminal record ang suspek at patuloy na inaalam ng mga kapulisan ang motibo nito sa pagpatay sa mga biktima.