-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang faculty member sa Denver high school matapos na sila ay pagbabarilin.
Ayon sa Denver Police na dinala na sa pagamutan ang dalawang biktima na faculty member ng East High School.
Mabilis naman na tumakas ang suspek habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng insidente.
Dahil sa insidente ay pinauwi ng mga otoridad ang mga mag-aaral.