-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang estudyante sa naganap na pamamaril sa Lamar Highschool sa Arlington, Texas.
Naaresto naman ng mga otoridad ang suspect kung saan ang dalawang biktima naman ay dinala na sa pagamutan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.
Dahil sa inisdente ay inilagay sa lockdown ng mga otoridad ang nasabing paaralan.