-- Advertisements --

Sinampahan ng kasong kriminal ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang election officers ng Muntinlupa City matapos umanong pakialaman ang listahan ng mga botante noong 2016.

Ayon sa Comelec, nilabag nina Ronald Allan Sindo at election assistant Michael Robles ang nilalaman ng Voter’s Registration Act na nagbabawal sa sino man na pakialaman o baguhin ang precinct assignment ng mga botante mula sa permanent list.

Kailangan daw kasi na dumaan muna ito sa approval ng written consent.

Paliwanag ni Comelec commissioner Rowena Guanzon, seryosong paglabag ang ginawa ng dalawa.

“We are very serious in protecting the commission on elections from scalawags.”

Sa ngayon naipadala na raw Muntinlupa Regional Trial Court ang kaso ng dalawang akusado.