CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang drug suspeks sa isinagawang drug buy bust operation ng mga pulis sa Sitio Ivlo, Barang Looc, Villanueva, Misamis Oriental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jason Sevilla Cabajar, wanted sa kasong frustrated murder at Gomercindo Isabida Moral Jr., parehong residente sa Brgy. Puerto sa lungsod.

Sinabi ni Villanueva police station commander Capt. Rodney Gaid na ang mga suspek ang unang bumunot ng armas kaya’t nabaril ng mga otoridad.

Narekober sa kanilang posisyon ang isang .38 kalibre na armas, fragmentation hand grenade at mga pinaniniwalaang shabu.

Napag-alamang nakahalata raw ang mga suspek na pulis pala ang kanilang pinagbentahan ng droga.

Sinubukan pa raw ng isa sa mga suspek ang maghagis ng granada.