-- Advertisements --

LA UNION – Walang palulusutin at lahat ng mga empleyado at bisita ay dadaan sa thermal scanner bago makapasok sa opisina ng DPWH Second Eng’g. District na nakabase sa Barangay Natividad, Naguilian, La Union.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo La Union ni Engr. Gil Lorenzo, District Engineer sa nabanggit na opisina, alinsunod na rin sa direktiba ng kanilang central office.

Ito ay bilang hakbang ng ahensiya para maiwasan ang paglaganap ng itinuturing na deadly virus na COVID-19.

Ang mga guwardiya ang mangangasiwa sa body temperature scanner at sila din ang mananagot kung may makalusot, empleyado man o bisita.

Katulad din na proseso ang ipinapatupad ng DPWH 1st Eng’g. District na nakabase sa Barangay Lingsat dito sa syudad ng San Fernando.

Base sa nakalap na impormasyon, ang sinumang magtatala ng mataas na temperatura ay hindi papayagang pumasok sa opisina.