Nakapagtala ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng 17 bata na dinapuan ng sakit na pertussis kung saan 2 dito ay nasawi kasunod ng paglobo ng mga kaso nito sa bansa sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mula Enero hangang Marso 2024, 25 suspected pertussis patients ang naitaa, 17 ang nagpositibo sa sakit, 8 ang probable case at 2 ang nasawi.
Nilinaw din ng Pasig LGU na mayorya ng mga kaso ay sanggol na mababa sa 2 buwan at hindi pa bakunado ng pertussis vaccine.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ang city government ng pagbabakuna sa mga barangay na nakapagtala ng mga kaso.
Tiniyak naman nito sa publiko na mayroong sapat na suplay ng pertussis vaccine ang lahat ng kanilang health centers gayundin ng Post-Exposure Prophylaxis.
Samantala, base sa datos ng DOH, nakapagtala na ng 453 kaso ng pertussis o ubong-dalahit sa unang 10 linggo ng 2024.
Maaaring magamot ang Pertussis sa pamamagitan ng antibiotics subalit maaari itong maiwsan sa pamamagitan ng pagbabakuna kontra pertussis na available sa local health centers at libreng ibinibigay.