-- Advertisements --

(Update) Nasa kustodiya na ng San Juan Municipal Police Station ang dalawang pulis na naaresto ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa paggahasa at pagpatay pa sa dalagita sa Ilocos Sur.

Sa ulat mula kay IMEG spokesperson Major Mae Cunanan, kahapon nang inaresto ang mga suspek sa Barangay Bannuar, San Juan, Ilocos Sur, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape at murder.

Kinilala ang mga ito na sina Staff Sgt. Marawi Torda at Staff Sgt. Randy Ramos na una nang sinibak sa serbisyo.

Hulyo noong nakaraang taon nang barilin ng mga nakamotorsiklong pulis ang 15-anyos na biktima na nagreklamo lang sa police station matapos silang pagsamantalahan ng kanyang pinsan.

Nakatakdang iharap sa korte ang dalawang pulis para sa kanilang mga kaso.