Naghain ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dalawang dating kasambahay ng actress na si Ruffa Gutierrez.
Kinumpirma ito ni dating Commission on Election (COMELEC) commissioner at 3PWD 1st nominee Rowena Guanzon.
Sa social media post ni Guanzon ay ibinahagi nito ang imbitasyon ni NLRC sa actress para sa mediation conference sa darating na Hulyo 27.
Nauna ng itinanggi ng actress na mayroon itong tinanggal na kasambahay subalit noong Hulyo 8 ay ibinunyag ni Guanzon na ang kasambahay ng actress ay pinalayas at hindi ito binayaran.
Iginiit din ng abogado ng actress na si Atty. Bryant Gamonnac Casiw na kanilang nabayaran ng tama ang mga kasambahay at sila ay kusang umalis dahil sa hindi nakayanan ang mga taping schedule ng actress.