Inilagay na sa alert status ng Bureua of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng underground hospital para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa Pampanga noong nakaraang linggo.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inilagay ang mga ito sa kanilang alert list para mapigilan ang pag-alis nila sa bansa at para siguruhing nasa bansa ang mga ito habang sumasailalim sa criminal at administrative investigation.
Dagdag ni Morente na kapag nakita ang mga suspek na sina Liu Wei at Hu Shiling sa mga paliparan at agad silang ire-refer sa BI intelligence and legal division para sa imbestigasyon.
“We have placed them on our alert list to prevent them from leaving the country and ensure their presence while they are undergoing criminal and administrative investigation for their alleged offenses,” ani Morente.
Maalalang naaresto ang dalawang Chinese noong Mayo 19 sa kanilang clinic sa Fontana Leisure Park in Clark, Angeles City na ni-raid ng mga pulis.
Pero agad din naman silang pinakawalan sa nasabing araw dahil wala namang kasong naisampa laban sa kanila.
Lumalabas na hindi lang pala sa Clark nag-o-opetate ang mga banyaga dahil mayroon din silang COVID-19 hospitals sa Makati City na ni-raid naman ng mga otoridad noong Martes.
“I have instructed our Intelligence Division to investigate if these alleged Chinese nationals are legally staying in the country. Should we find they violated our immigration laws, they will be charged them with deportation cases before our law and investitgation division,” dagdag ng BI chief.