Reading Time: 1 minute

Arestado ang dalawang Chinese national matapos umanong pagtangkaang suhulan ang ilang pulis na sumugod sa isang sinasabing prostitution den sa Makati City.

Kinilala ni National Capital Regionl Police Office chief Major Gen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Zhang Xiuquang at Fan Jianping, kapwa empleyado ng isang Philippine Offshore Gaming Operation.

Batay sa ulat, tinangkang makipag-negosasyon ng dalawa kay Makati City Police Station – Investigation and Detective Management head Maj Gideon Ines.

Nag-alok daw ang mga ito ng P1.7-milyon kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso sa kanila.

Pinuri ni Eleazar ang pulisya sa paninindigan nito kontra sa panunuhol.