-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng San Juan City health officials na gumaling na ang dalawang COVID-19 Delta variant na naitala sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat, bagama’t sa San Juan ang address ng mga ito, sa Quezon City naman sila nagtatrabaho.

Sumalang na rin daw ito sa itinatakdang araw ng quarantine at nag-negatibo na rin sa panibagong test.

Gayunman, regular pa ring kukunan ng update ang kalagayan ng dalawa, pati na ang kanilang mga kaanak na kasama ng mga ito sa kanilang bahay.