-- Advertisements --
wanted

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang undesirable aliens at posibleng maging banta sa seguridad ng publiko dito sa bansa.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) intelligence officer Chief Bobby Raquepo, ang mga suspek ay sina Zheng Zhuhong, 51 na isang Chinese national at ang Korean national na si Kim Donghyun, 36.

Si Zhuhong ay may warrant of arrest noon pang December 2016 mula sa municipal public security bureau sa Jinjiang, China dahil umano sa pagkakasangkot nito sa economic crimes.

Ang babaeng suspek ay nakakulimbat ng mahigit P30 million yuan o US$4.4 million.

Nagtago raw ito sa Pilipinas noon pang nakaraang taon.

Samantala, ang suspek namang Korean ay sangkot sa cyber fraud activities at nakapangulimbat din ito ng mahigit $200,000 mula sa mga bettors.

Ayon kay Raquepo matapos umanong i-deport ang mga suspek ay pagbabawalan na rin silang muling pumasok sa bansa dahil ilalagay na ang kanilang mga pangalan sa unwanted aliens ng BI.

Sa ngayon, nakaditine na ang dalawang banyaga sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.