-- Advertisements --

Dalawang bangkay ng construction workers ang narekober ng mga otoridad mula sa gumuhong tulay sa Baltimore.

Ayon sa mga otoridad, ang mga biktima ay na-trap sa pulang pick-up truck matapos na mabangga ng malaking cargo ship nang mangyari ang naturang insidente.

Kaugnay nito ay naniniwala ang Maryland police na marami pang mga sasakyan ang na-trap sa mga concrete at nayuping mga bakal na debris ng gumuhong Francis Scott Key Bridge.

Anila bukod dito ay posible rin na nasa anim mula sa walong construction crew ang pinaniniwalaang nasawi rin nang dahil sa naturang trahedya, habang may apat na iba pa ang patuloy pa ring pinaghahanap.

Samantala, sa ngayon ay magshi-shift na ang mga otoridad sa pagsasagawa ng salvaging operation, at pagtatanggol ng mga superstructure para naman sa pagrerekober sa mga labi ng iba pang biktima ng nasabing sakuna.

Kung maaalala, una nang inihayag ng United States transportation department na pananagutin nito ang nasa likod ng pagguho ng Francis Scott Key bridge sa Baltimore.

Kasabay ng pangakong hindi na nila hihintayin pa na matapos ang imbestigasyon bago muling itayo ang nasabing tulay.