-- Advertisements --
Natagpuan na ng mga rescuers ang dalawang bangkay na nahulog sa naputol na Francis Soctt Key Bridge.
Sinabi ni Maryland State Police. Superintendent Col. Roland L. Butler na ang mga biktima ay pawang nasa edad 35 at 26.
Tinapos na rin nila ang paghahanap sa apat na ibang mga biktima dahil sa may mga debris at sasakyan pa sa ilalim ng ilog na mapanganib sa mga divers.
Nakuha ang mga dalawang biktima na naipit sa isang pulang pick-up sa Patapsco River sa gitna ng gumuhong tulay.