-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patuloy pang pinaghahanap ang suspek na nag-abuso sa dalawang baboy sa Candoni, Negros Occidental.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Nicholas Lachica, pinuno ng Candoni Assistance, Rescue and Emergency Services, inihayag nitong na dalawang inahing baboy ang inabuso sa Brgy. East, kahapon ng umaga.

Ikinagulat na lamang umano ng may-ari na si Jose Torres nang dumating ito sa kanyang babuyan na mayroong mga dugong nakakalat sa paligid nito.

Nang kanyang pinuntahan ang mga baboy, nakita nitong may sugat at mamamaga ang vulva ng isang baboy, samantala ang isang baboy naman ay pinagsamantalahan.

Agad naman nilang ipinasuri ang dalawang hayop sa kanilang municipal livestock inspector at dito nalaman na ang dalawang baboy ay inabuso kung saan ang isa ay pinasukan umano ng kamay ng isang tao dahilan kung bakit namaga at nasugatan ang vulva nito samantala ang isa naman ay kumpirmadong pinasukan ng ari ng lalaki.

Hindi naman narinig ng may-ari ayon kay Lachica ang ungol ng mga baboy dahil malayo ang bahay nito sa nasabing lugar.

Samantala, sa pakipag-ugnayan naman ng Bombo Radyo kay Provincial Veterinarian Dr. Renante Decena, sinabi nito na ang sex ay animal instinct ngunit iba naman ang ovulation ng baboy sa tao kaya’t nasugatan ang mga hayop.

Sinabi ni Decena na nararapat i-assess at i-eksamin ang mga baboy upang malaman ang damage at mabigyan ng antibiotics upang gumaling ang sugat nito.

Hindi naman aniya mabubuntis ang inahing baboy na pinagsamatanlahan dahil iba naman ang chromosomes nito sa tao.

Posible ayon kay Decena na may problema sa pag-iisip ang taong umabuso sa mga baboy.