-- Advertisements --

Patay ang dalawang babae matapos na sila ay pagsasaksakin ng isang Afghan refugee sa isang Islamic center sa Lisbon, Portugal.

Agad na rumesponde ang kapulisan kung saan pinapasuko ang susuko.

Nagtangka pa itong saksakin ang mga kapulisan kaya napilitan nila itong barilin.

Sinabi ni Interior Minister Jose Luis Carneiro na ang dalawang biktima ay empleyado ng Islamic center sa Isamaili Muslim center.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa ginawa nitong krimen.