-- Advertisements --
CEBU CITY – Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng pekeng gamot sa Brgy. Bacayan lungsod ng Cebu.
Kinilala ang mga suspek na sina Roel Noynay, 20, residente ng Brgy. San Isidro, Masbate City; at James Bulat-ag, 22-anyos, residente ng Brgy. San Jose, Cebu City.
Dipensa nina Noynay at Bulat-ag, inutusan lamang silang ibenta ang mga nakumpiskang gamot mula sa kanila.
Hindi aniya nila alam na peke pala ang gamot na ipinabebenta sa kanila.
Sinabi naman ni Cebu CIty Police Office Director Josefino Ligan na ipapadala nila sa Food and Drugs Administration (FDA) ang mga gamot na nakuha mula sa dalawang suspect.
Nahaharap ngayon ang dalawang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 8203 o pagbebenta ng mga pekeng gamot.