-- Advertisements --

Kasado na isasagawang panibagong tigil pasada ng mga transport group sa bansa.

Ayon kay MANIBELA president Mar Valbuena na isasagawa ang nasabing tigil pasada mula Marso 26 hanggang 27.

Dagdag pa nito na hindi lamang mga jeepney drivers , ride hailing services, UV Express, motorcycle taxis at truckers group.

Lahat aniya ng mga ito ay dumadaing sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan ang mga kumikita ay ang naglalakihang gasolinahan.

Ikinagalit din ni Valbuena ang pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa taas pasahe.

Pinag-iisipan din ng grupong Manibela na baka sa 25 ay simulan na nila ang pagtigil pasada para iparamdaman ang kanilang hinagpis.

Sa panig naman ng No to Oil Price Hike Coalition na maaaring ito na ang pinakamalaking tigil pasada na gagawin sa kasaysayan.