-- Advertisements --

Arestado ang dalawang turistang Amerikano dahil sa pagtulog sa loob ng Eiffel Tower.

Ayon sa mga otoridad na maaring tumakas ang mga ito habang nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin.

Maaring hindi na nakalabas ang mga ito ng isara na ng mga security guard ang nasabing lugar.

Hindi namang itinuturing ng mga otoridad na banta ang mga ito kaya sila ay pinalaya.

Bagamat na pinalaya ang mga ito ay desidido naman ang mga otoridad na magsampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Magugunitang noong nakaraang Sabado ay pinalikas ang mga turista sa sikat na tourist spot dahil sa may bomb threat.