-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagpaabot ng pagbati ang lokal na pamahalaan ng Aklan matapos makasungkit ng gintong medalya ang mga Aklanon na sina Francine Padios at Freddie Jizmundo, Jr. sa Pencak Silat sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Si Padios ang ipinalit kay 2018 Asian Games bronze medal winner Cherry May Regalado na nagkaroon ng knee injury bago ang 2019 SEA Games.

Nabatid na nagbulsa ng ang Pinoy pencak silat warriors ng isang gold at dalawang silver na medalya noong 2019 Manila SEA Games.

Sumailalim sa pagsasanay ang buong koponan sa Nueva Ecija para sa isang bubble training bilang paghanda sa Vietnam SEA Games.

Kabuuang 18 atleta na kinabibilangan ng 13 lalaki at 5 babae ang sumabak sa naturang biennial event.