Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na makapagpatayo ng 1 million housing units bilang bahagi ng long-term goal ng gobyerno na matugunan ang mahigit 6.5 million housing backlogs sa buong bansa.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang layunin nila ay makapagbigay ng pabahay na desente at epektibo para maiangat ang pamumuhay ng mga informal settler families at ng mga nasa low-income bracket pagsapit ng 2028 o bago matapos ang termino ng kasalukuyang adminsitrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ang naturang plano ang siyang naging sentro ng kickoff ng National Shelter Month ngayong taon.
Sinimulan na ang naturang programa noong buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng groundbreaking ceremonies sa mga key cities at municipalities sa bansa kabilang dito ang Quezon City, Bacolod City, Roxas City, Iloilo City at Mariveles, Bataan.