KINSHASA, DR Congo – Aabot sa 190,000 katao sa Africa ang posibleng mamatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kung hindi magiging matagumpay ang mga hakbang laban sa sakit.
Ito ang sinabi ng World Health Organization (WHO) matapos lumabas sa pag-aaral na nasa pagitan ng 29 hanggang 40-milyong indibidwal sa naturang kontinente ang posible ring ma-infect ng pandemic virus.
Ang pag-aaral na ito raw ay batay sa prediction modelling na sakop ang 47 bansa sa Africa.
“The model predicts the observed slower rate of transmission, lower age of people with severe disease and lower mortality rates compared to what is seen in the most affected countries in the rest of the world,” ayon sa statement.
Matagal nang nagbabala ang mga eksperto sa African countries kaugnay ng vulnerability nila sa mga outbreak dahil sa mababang antas ng health infrastructure, matinding kahirapan at kabi-kabilang mga hidwaan sa ilang mga bansa doon.
Hindi tulad sa Estados Unidos at European countries, kapansin-pansin na hindi pa malawak ang pagkalat ng COVID-19 sa Africa.
“The lower rate of transmission, however, suggests a more prolonged outbreak over a few years.”
Sa kasalukuyan nasa 53,334 confirmed COVID-19 cases at 2,065 deaths ang naitala sa kontinente.
Naniniwala si WHO Africa director Matshidiso Moeti na hindi aabot nang katulad sa pagkalat ng COVID-19 sa ibang kontinente ang sitwasyon ng infection sa Africa.
Tinukoy lang nito ang mga bansang Algeria, South Africa at Cameroon bilang mga high risk kung hindi magiging epektibo ang containment measures.
“COVID-19 could become a fixture in our lives for the next several years unless a proactive approach is taken by many governments in the region. We need to test, trace, isolate and treat.”(AFP)