-- Advertisements --
Inilampaso kanina ng 19-anyos na Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz ang Norwegian player na si Casper Ruud sa katatapos lamang na US Grand Slam Championship game sa New York.
Sa katunayan ito ang kauna-unahang Grand Slam Singles title ni Alcaraz matapos nitong matalo si Ruud sa score 6-4, 2-6, 7-6(1), 6-3.
Sa ngayon, ang Spanish tennis player na si Alcaraz ay aakyat na sa No.1 ATP rankings bilang pinakabata at bilang nagkampeon sa US Open Mens Singles. (with reports from Bombo JC Galvez)