Nasa 19 na mga preso ang tumakas sa detention cell ng Bacoor City Police Office.

Pero dalawa dito ay nahuli na uli ng mga pulis sa inilunsad na manhunt operations.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director, PSSupt. William Segun, planado ang ginawang pagtakas ng mga inmates dahil naka pwesto na ang isang preso sa mismong entrance ng selda.

Kwento pa ni Segun, sinundo ng pulis ang isa sa mga preso para kunan ng kaniyang mugshot pero dito na nakahanap ng pagkakataon, itinulak ang pulis at saka humarurot ng takas.

Nagpaputok nbg mga warning shots ang mga pulis habang tinutugis ang mga tumakas na preso.