-- Advertisements --
Panibagong 1,886 na mga bagong kaso ng COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH)
Kaugnay nito, meron din namang nasa 37 mga nailista na nasawi sa bansa bunsod pa rin ng deadly virus.
Sa ngayon, nasa kabuuang 62,657 na ang kabuuang namatay sa COVID-19 sa Pilipinas.
Meron din namang active cases pa o mga pasyente na nasa 27,284.
Sa mga bagong bilang ng tinamaan ng virus ang 931 ay nagmula sa Metro Manila.
Samantala, naitala rin na ang positivity rate mula Sept. 18 hang Sept. 20 ay nasa 14.5 percent.
Mula naman Sept. 12 to Sept. 18 ang recorded na average ay nasa 2,101 daily infections sa bansa bagama’t ito ay 4 percent na mas mababa kumpara sa nakalipas na mga Linggo.