Nakapagtala ng 188 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling datos ng kagawaran, umabot na sa 3,686,082 ang bilang ng mga kasong naitala sa buong bansa simula nang tumama ang pandemya ngunit bumaba naman ang mga aktibong kaso nito ngayon sa kabuuang bilang na 5,303.
Tumaas naman sa 3,620,369 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa nasabing, habang nadadagdagan din ang death toll sa bansa na may kabuuang 60,410.
Samantala, nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso na may 1,087, na sinundan naman ng Calabarzon na mayroong 398 na mga kaso, at Central Luzon na nakapagtala naman ng 223 na mga kaso.
Sa ngayon nasa 15.9% naman ang naitalang bed occupancy rate sa bansa na may katumbas na 5,055 na mga okupadong hospital bed, habang nasa 26, 746 naman ang bilang ng mga higaan na bakante.