-- Advertisements --

Patay ang 18 katao sa naganap na aksidente sa Bauchi, Nigeria.

Mayroong lulan na 17 pasahero ang bus ng bumangga ito sa truck sa Toro district.

Nasunog pa ang bus dahil sa lakas ng pagkakabangga kaya lahat ng lulan ng bus ay hindi na nakalabas.

Habang nakaligtas naman ang tatlong lulan ng truck na nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.