GENERAL SANTOS CITY – Nagpalabas na ng arrest warrant ang korte laban sa mga opisyal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative o ALAMCCO, na sinasabing investment schemes sa Sarangani.
Iniutos ng Regional Trial Court 11th Judicial Region Branch 46 ang pag-aresto ng mga opisyal ng ALAMCCO dahil sa kasong syndicated estafa.
Kabilang sa 18 pinaaaresto ng korte sina: Jerson Cagang, Conrado Mancao, Tirso Cereno, Juanito Jhon Castillo, Benigno Cereno, Albert Cagang, Fe Cagang, Ailene Mancao, Roshine Cereno, Jason Baybay, Liezel Vilan, Ivy Caparos, Calixto Bana-ay, Marlyn Tulio, Diana Ferry Sope, Anni JOy Dela Cruz, Marlon Marvin L Im at Eustaquio Hocson.
Batay sa ulat, kinikilalang opisyal at board of directors ng ALAMCCO na nag-o-offer ng 35% na payout sa mga miyembro ang nasabing bilang.
Pero nang magsara ang KAPA at iba pang investment schemes, hindi na rin daw nakapagbigay ng payout ang ALAMCCO sa kanilang mga miyembro na aabot sa milyon-milyong piso ang halaga.
Patuloy naman na nangangako ang mga opisyal na ibabalik ang pera ng kanilang investors.