MANDAUE CITY -Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang 18 anyos na lalaki matapos ang isinagawang buybust operation madaling araw nitong Sabado, Agosto 13, sa Brgy. Cabancalan lungsod ng Mandaue kung saan bulto-bultong pakete ng shabu ang nakumpiska.
Nakilala ang naaresto na si John Alex Villaraza, residente ng Brgy. Carreta nitong lungsod ng Cebu.
Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 1.5 kilo ng shabu ng tinatayang nagkakahalaga ng P10.2 million pesos.
Sa naging panayam ng Star Fm Cebu kay PCapt. Armil Coloscos, sinabi nitong maituturing na regional level high value individual si Villaraza base na rin sa dami ng drogang nasabat.
Mahigit isang buwan pang sinubaybayan ang suspek bago ikinasa ang operasyon.
Makapag Dispose rin umano ito ng shabu sa Cebu City, Mandaue City hanggang sa northbound area ng Cebu province.
Napag-alaman na may mga kamag-anak umano itong nakulong sa Cebu City jail ngunit patuloy pa nilang iimbestigahan.
Sa ngayon nakadetain ang suspek sa detention cell ng Mandaue City Police station 4 at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.