-- Advertisements --
Nasa 17 pasahero ng pampasaherong van ang nasugatan matapos ang naganap na karambola sa North Luzon Expressway.
Naganap ang insidente sa Sta. Rita exit southbound nitong Huwebes ng gabi kung saan itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Nananatiling kritikal pa rin ang kalagayan ng driver ng UV Express van.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, maaaring over loaded ang van na mayroong 22 ang sakay nito imbes na 18 katao na maximum capacity ng sasakyan.
Bigla aniya umanong bumagal ang takbo ng mga sasakyan na nasa harap ng van kaya nangyari ang aksidente.