-- Advertisements --
Aabot sa 20 regional directors ng Public Attorney’s Office (PAO) ang nagpakita ng suporta sa kanilang pinunong si Atty. Persida Acosta kaugnay sa alegasyong sangkot umano ito sa korapsiyon.
Kasama ni Acosta na humarap sa press conference ang 17 PAO regional directors at dalawang deputy chief at ilang mga doktor ng kanilang forensic laboratory.
Sa kanilang pinag-isang pahayag, mariing kinondena ng mga opisyal ang akusasyon na ibinabato kay Acosta dahil naniniwala umano silang kailanman ay hindi nadawit sa katiwalian ang kanilang hepe.
Nagsimula ang kontrobersiya makaraang nagsampa ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corruption sa Office of the Ombudsman si Atty. Wilfredo Garrido laban kay Acosta.