-- Advertisements --
Umabot na sa 17 katao ang nasawi sa pagguho ng isang hotel sa Suzhou, China.
Matapos ang 36 oras na search operations ay nakita ang 23 katao na natabunan ng hotel.
Sa nasabing bilang ay anim dito ay ligtas at buhay.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatan biktima.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng ilang beses noon na renovation ang gusali na siyang naging sanhi ng paghina ng pondasyon nito.
















