-- Advertisements --

FLORIDA, USA – Arestado ang 17 katao, kabilang na ang dalawang tauhan ng Disney company dahil sa child pornography sa Polk County, Florida.

Ayon sa ulat ng Polk County Sheriff’s Office, gumagamit ang mga suspek ng malalaswang larawan ng 10 taong gulang na bata nang na masakote ang mga ito.

Nakilala ang dalawang dating tauhan ng Disney na sina Brett Kinney, 40, ng Lake Alfred, Florida at Donald Durr Jr., 52, ng Davenport, Florida.

Naging isyu ang pagkakasama ng mga ito, lalo’t bata ang karaniwang audience ng Disney na dati nilang pinagtatrabahuhan.

Pero agad na nilinaw ng Disney spokesperson na hindi na konektado sa kanila si Kinney nang mangyari ang raid, habang naka-leave naman si Durr sa kanilang kompaniya. (CNN)