-- Advertisements --

Nasa 17 mga al-shabaab terror group ang nasawi sa ginawang air strike ng US military sa Somalia.

Ayon sa US Africa Command na naganap ang strike sa may 285 kilometers ng northeast Mogadishu.

Humingi umano ng tulong ang Somali government ng makipagbakbakan ang kanilang Somali National Army forces laban sa al-Shabaab fighters.

Tiniyak din nila na walang sibilyan na nadamay sa naganap na air strike.

Ito na ang pinakahuling US military effort laban sa al-Shabaab sa Somalia.

Aprubado umano ito ni US President Joe Biden base sa hiling ng Pentagon ang muling pag-deploy ng US troop sa lugar para labanan ang terrorist group.