Iniulat ng United Nations nasa 165 million katao ang mahihirap simula noong 2020 dahil sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic at nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.
Kayat nananawagan ngayon ang UN ng paghinto muna ng repayments sa utang ng mga umuunlad na bansa.
Base sa pag-aaral na inilathala ng United Nations Development Program, nasa 75 million katao ang malulugmok pa sa extreme poverty na mayroon lamang income na $2.15 kada araw mula sa pagitan ng 2020 at katapusan ng 2023 habang nasa 90 million pa ang inaasahang malugmok sa below poverty line ng $3.65 kada araw.
Ayon pa sa UN report, nasa 3.3 billion katao na nakatira sa mga bansa na karamihan ay nagbabayad ng interes sa utang kumpara sa edukasyon at sa kalusugan.
Sa developing countries, sa kabila ng mababang utang, malaki naman ang binbayaran ng mga ito sa interes dahil sa mataas na rates.
Nakasaad din sa report na aabutin ng mahigit US$14 billion ang kakailanganin upang maiahon mula sa kahirapan ang nasa 165 million na mahihirap.