-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 18,413 ang kabuuang bilang ng mga personnel ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa report ng PNP, nakapagtala pa ng 163 na bagong kaso ng COVID-19 ang kanilang Health Service department nitong Sabado, April 16.

Nadagdagan din ng 290 na bagong gumaling ang total recoveries na umaabot na sa 16,042.

“As of April 16, 2021, the PNP Health Service recorded 290 new recoveries today bringing the total number of personnel who recovered from COVID-19 to 16,042.”

Wala namang naitalang bagong namatay, kaya nananatili sa 49 ang bilang ng total deaths.

Sa ngayon mayroon pa raw 2,322 personnel na active cases o nagpapagaling sa coronavirus.