-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 16 na iba pang Pilipino abroad na tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa ulat ng DFA, pumapalo na sa 10,086 ang total ng COVID-19 cases sa hanay ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Samantala, 47 naman ang nadagdag sa total recoveries na ngayon ay nasa 6,174 na. Nananatili naman sa 755 ang death toll.
Sa ngayon, nasa 3,157 pa raw ang nagpapagaling na mga Pilipinong COVID-19 positive abroad.
Lumalabas sa datos ng Foreign Affairs department na sa Middle East/Africa region may pinakamaraming Pilipinong tinamaan ng sakit, na aabot sa 6,986.
Sumunod ang Europe na may 1,166; Asia and the Pacific na nasa 1,157; at Americas na may 795 cases ng mga Pilipino.