-- Advertisements --

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad sa Dubai ang naganap na sunog sa residential building na ikinasawi ng 16 na katao.

Naganap ang s unod sa ikaapat na palapag sa mga residential area ng Al-Ras.

Unang lumabas sa imbestigasyon ay nakitaan nila ng paglabag sa building safety at requirements.
Hindi pa inilabas ng mga otoridad ang mga nationality ng mga nasawing biktima.

Ang Dubai kasi na isa sa pitong emirates ng United Arab Emirates ay mayroong populasyon ng 3.3 milyon kung saan 90 percent sa kanila ay dayuhan.