
Nadagdagan pa ang bilang ng mga narerekober na bangaks sa nangyaring aksidente sa kalsada sa bahagi ng central Mexico.
Ito ay matapos na magsalpukan ang isang bus at isang trailer truck sa bahagi ng Cuacnopalan-Oaxaca highway sa central Mexico.
Sa datos ng Oaxacan state prosecutor, umakyat na sa 16 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi mula sa naturang trahedya na kinabibilangan ng walong lalaki at walong babae.
Habang agad namang isinugod sa pagamitan ang nasa 36 sugatang indibidwal mula pa rin sa nasabing banggaan.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng mga eksperto upang alamin ang sanhi ng nangyaring aksidente.
Kasabay nito ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa federal government agencies at state authorities para naman sa suportang ipapaabot sa biktima ng nasabing trahedya.










