-- Advertisements --
Dumating na sa Pilipinas ang 16 na Pilipino mula Lebanon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ito na ang ikalawang batch ng OFWs mula Lebanon na ligtas na nakabalik sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
Bahagi ito ng gingawang pagsisikap ng pamahalaan para ma-repatriate ang mga distressed OFW mula sa Gitnang Silangan.
Sa isang statement, iniulat ng DMW na dumating sa bansa ang repatriated OFW gabi nitong Lunes sa pamamagitan ng Turkish Airlines flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa kabuuan, umabot na sa 26 na OFWs ang nakauwi sa bansa mula Lebanon kabilang ang unang batch ng 10 OFWs na dumating noong Marso 10 sa gitna ng kaguluhan sa rehiyon.
















