Aabot sa 1,500 cases ng COVID-19 ang natunton ng Department of Health (DOH) nang ipatupad nito ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) strategy noong panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula sa 17 pilot barangays ang mga kaso ng sakit. Ang 62% daw sa mga ito ay naka-home quarantine, 33% ang naka-admit sa temporary treatment and monitoring facilities, at 5% ang nasa ospital.
“There were also 276 cases that we have identified as recovered during this implementation of CODE. So 1,204 we’re still active among these different barangays and 20 deaths recorded.”
Ang mga natunton na kaso ng COVID-19 ay mula raw sa ginawang pagbisita ng CODE teams sa 1,334 na bahay.
“Active contact tracing and case finding were implemented… aside from surveillance na talagang hinahanap natin yung mga may symptoms at exposed nakapag-bigay din tayo ng reminders sa public dito sa mga komunidad na ito.”
Sa ngayon may higit 15 bagong CODE implementation sites daw na magbabantay sa transmission ng COVID-19 sa komunidad.
Samantala, kinumpirma rin ng opisyal na may 9,559 contacts ring na-traced ang CODE team, gamit ang 1:10 ratio, mula sa naturang mga barangay.
Katumbas daw nito ang 64% ng inaasahang 14,000 close contacts. Mula sa halos 6,000 traced contacts, 418 ang symptomatic, 769 ang kabilang sa high-risk group, at 88% ang asymptomatic.
“Out of the contacts na na-trace natin, 4,768 are tested to RT-PCR. So this is 50% and they were swabbed, with symptomatics and high-risk given priority.”
Sa ngayon ang 8,980 o 93.9% sa kanila ay naka-home isolation, 4% ang nasa quarantine facilities, at 12 ang nasa mga ospital.
Lumawak naman mula 1:2 hanggang 1:20 ang ratio ng contacts traced sa mga nasabing barangay.
“We still continue to guide our barangays, we have additional (CODE) sites, in the coming weeks dadami pa ito para mabigyan ng tugon or focus para dito sa mga barangays na ito.”