-- Advertisements --

Dalawa na lamang umano sa 17 rehiyon sa bansa ang kailangang magdoble kayod para maabot ang 60 percent ng kanilang target population na kailangang mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay ang Soccsksargen na mayroon lamang 25.95 percent habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay mayroong lamang 56.06 percent.

Ito ay base na rin sa datos mula sa National Task Force Against Covid-19.

Nasa siyam na rehiyon naman ang mayroon nang fully vaccinated ng 70 percent ng kanilang target.

Kabilang dito ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Western Visayas.

Ang mga rehiyon naman ng Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga ay nakumpleto na ang kanilang Covid-19 primary series ng 60 percent ng kanilang target population.

Sa ngayon, nasa 139.5 million nang bakuna ang naiturok sa bansa at papalo na sa 64,838,213 Filipinos ang nakakuha ng kanilang primary doses kabilang na ang single-shot Janssen at Sputnik Light jabs.

Sa kabuuang bilang ng fully vaccinated, 11.3 million ang mayroon nang booster o additional doses.