Isinailalim na sa Alert Level Alpha ang 15 probinsiya sa Luzon dahil sa pananalasa ng bagyong Kiyapo.
Ang Alpha level ay nangangahulugang ang mga nasasaklaw na probinsiya ay nasa ilalim ng 700-km diameter ng bagyo o saklaw ng 400 kms sa silangan at 300 kms sa kanluran ng forecast track.
Ang mga naturang probinsiya ay makararanas ng pagbugso ng hangin na aabot hanggang 45 kilometers per hour. Ang naturang bugso ng hangin ay maaaring magdulot ng pagkasira ng mga ari-arian, mga bahay, at maliliit o payak na pasilidad.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Abra
Apayao
Aurora
Batanes
Benguet
Cagayan
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Mountain Province
Nueva Vizcaya
Quirino
Ayon sa Department of Interior and Local Government – Central Office Disaster Information Coordinating Center, posibleng makakaranas ang mga nabanggit na probinsiya ng 7.5 millimeters/hour hanggang 15 mm/hr na bulto ng ulan. Ang naturang bulto ay posible ring magtagal ng ilang oras.












