-- Advertisements --
Nasa 15 katao ang nasawi sa naganap na pag-aatake sa siang Shia religious shrine sa Iran.
Naganap ang insidente sa Shah Cheragh Shrine sa lungsod ng Shiraz.
Ayon sa mga otoridad, na pinasok ng tatlong armadong suspek ang simbahan at walang habas na namaril.
Nasugatan sa insidente ang 40 na iba kung saan nagawang tumakas ang mga suspek.
Sa ginawang follow up ng mga otoridad ay naaresto nila ang dalawa sa mga suspek.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng ISIS group ang mga suspek.