KORONADAL CITY- Ipagpapatuloy ng mga jail officers ang operation greyhound kasunod nang pagkakarekober ng ilang pakete ng shabu sa loob mismo ng South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Facility.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay SoCot Jail Warden Felicito Gumapac, sinabi nitong isinagawa ang operasyon sa selda 16 ng kulungan at narekober ang 15 pakete ng shabu na isinilid pa ng mga inmates sa loob ng tubo.
Pahirapan aniya ang pagrekober sa mga iligal na droga dahil naging mautak ang mga inmates sa pagpapalusot ng kontrabando sa loob ng kulungan.
Umabot naman sa 118 inmates sa loob ng selda 16 ang isinasailalim ngayon sa imbestigasyon.
Matatandaan na sa mga nakalipas na araw ay nasa mahigit 40 mga inmates ang nagpositibo sa iligal na droga sa selda 9 matapos ang isinagawang surprise at random drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency 12.