MANILA – Nadagdagan pa ng 15 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Today, the DFA received reports of 15 new COVID-19 cases, 9 new recoveries and 3 new fatalities among Filipinos abroad.@teddyboylocsin #DFAForgingAhead#WeHealAsOne pic.twitter.com/ubFb1XlMq1
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 24, 2021
Batay sa pinakabagong datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), aabot na sa 18,237 ang bilang ng mga Pilipinong nagka-impeksyon sa coronavirus sa 93 bansa.
Sa ngayon 5,921 sa mga ito ang nagpapagaling pa.
Nadagdagan naman ng siyam ang total recoveries na nasa 11,190 na.
Habang tatlo ang bagong naitalang namatay para sa total deaths na 1,126.
Pinakamaraming Pilipino ang nagka-COVID sa mga bansa sa Middle East/Africa region na nasa 10,436.
Sumunod sa Asia-Pacific region na nasa 3,506; Europe na nasa 3,341; at North at South America na nasa 954.