-- Advertisements --
Nakakuha ng dalawang gold at isang silver medal ang 15-anyos na weightlifter na si Angeline Colonia sa katatapos na Asian Youth at Junior Weighlifting Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.
Matagumpay na nabuhat nito ang 62 kilograms sa snatch at nabasag ang world at Asian youth standard na 61 kgs. sa women’s 40 kg. category.
Habang ang kaniyang combined winning lift na 134 kgs ay nabura ang continental youth standard ng 134 kgs.
Nagtapos lamang ito ng silver sa clean and jerk sa 72 kgs. kung saan tinalo siya ni Duong Thi Kim Yen.
Kapatid siya ni Rio De Janeiro Olympian Nestor Colonia at pamangkin siya ni 1988 Seoul Olympian Gergorio Colonia.