-- Advertisements --

Nasa 149 volcanic earthqauke ang namonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) mula sa bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang lima na volcanic earthqualke kahapon, June 9.

Ayon sa Phivolcs mananati pa rin sa Alert level 1 o low-level unrest ang alerto sa bulkan.

Ang plume mula sa bunganga ng bulkan ay umakyat ng 100 metro at drifted pahilagang kanluran.

Una rito, nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad ng panibagong phreatic eruption kasunod ng pagtaas ng seismic activity ng bulkan na naobserbahan sa nakalipas na 24 oras.

Karamihan dito ay mahina at mababaw subalit nagpapahiwatig ng posibilidad na phreatic eruption sa mga susunod na oras